Oo, mapapalad ang mga aba sa espiritu na lumalapit sa akin,
_sapagkat sa kanila ang kaharian ng langit.
At muli, mapapalad silang lahat na nahahapis
_sapagkat sila ay aaliwin.
At mapapalad ang mga maamo,
_sapagkat mamanahin nila ang lupa.
_At mapapalad silang lahat na nagugutom at nauuhaw
_sa kabutihan,
_sapagkat sila’y mapupuspos ng Espiritu Santo.
_At mapapalad ang mga maawain, [i]3410[/i]
_sapagkat sila’y kaaawaan.
_At mapapalad ang lahat nang may dalisay na puso,
_sapagkat makikita nila ang Diyos.
_At mapapalad ang lahat ng tagapamayapa, [i]3411[/i]
_sapagkat sila’y tatawaging mga anak ng Diyos.
_At mapapalad silang lahat na pinag-uusig dahil sa aking pangalan,
_sapagkat sa kanila ang kaharian ng langit.
At pinagpala kayo kung ang mga tao ay lalaitin kayo at pag-uusigin, at magsasabi ng lahat ng uri ng kasamaan laban sa inyo na hindi totoo, dahil sa akin;
Sapagkat kayo ay magkakaroon ng malaking kagalakan at labis na kasiyahan, sapagkat malaki ang inyong gantimpala sa langit; sapagkat gayon nila pinag-usig ang mga propetang nangauna sa inyo.