Huwag ninyong isipin na ako ay naparito upang wasakin ang batas o ang mga propeta. Ako ay hindi naparito upang magwasak kundi upang tumupad; Sapagkat katotohanang sinasabi ko sa inyo, ni isang tuldok o isang kudlit ay hindi mawawala sa batas, kundi sa akin ito ay natupad na lahat. At masdan, ibinigay ko sa inyo ang batas at ang mga kautusan ng aking Ama, upang kayo ay maniwala sa akin, at upang kayo ay magsisi sa inyong mga kasalanan, at lumapit sa akin nang may pusong bagbag at nagsisising espiritu. Masdan, nasa inyo ang mga kautusan, at ang batas ay natupad na. Kaya nga magsilapit kayo sa akin at kayo ay maliligtas; sapagkat katotohanang sinasabi ko sa inyo, na maliban kung inyong susundin ang mga kautusan ko, na aking iniuutos sa inyo sa oras na ito, hindi kayo kailanman maaaring makapasok sa kaharian ng langit.