At muli nasusulat, huwag ninyong ipanunumpa ang inyong sarili, kundi gampanan sa Panginoon ang inyong mga sumpa; Ngunit katotohanan, katotohanan, sinasabi ko sa inyo, huwag kayong mangangako; ni sa langit, sapagkat iyon ang trono ng Diyos; Ni mangako kayo sa inyong mga ulo, sapagkat hindi ninyo kaya na ang isang buhok ay gawing maitim o maputi. Ngunit ang inyong magiging pananalita ay Oo, oo; Hindi, hindi; sapagkat anuman ang hihigit pa rito ay masama.