Bukod dito, kung kayo ay nag-aayuno huwag kayong tutulad sa mga mapagkunwari, na may malungkot na mukha, sapagkat pinasasama nila ang kanilang mga mukha upang lumitaw sa mga tao na sila ay nag-aayuno. Katotohanang sinasabi ko sa inyo, mayroon na silang gantimpala. Ngunit kayo, kung kayo ay nag-aayuno, langisan ang inyong ulo, at hugasan ang inyong mukha; Upang huwag lumitaw sa mga tao na kayo ay nag-aayuno, kundi sa inyong Ama, na nasa lihim; at ang inyong Ama, na nakakikita nang lihim, ay gagantimpalaan kayo nang hayagan.