Tandaan ang mga salitang aking sinabi. Sapagkat masdan, kayo yaong aking mga piniling maglingkod sa mga taong ito. Kaya nga sinasabi ko sa inyo, huwag kayong mag-alaala para sa inyong buhay, kung ano ang inyong kakainin, o kung ano ang inyong iinumin; o ang para sa inyong katawan, kung ano ang inyong isusuot. Hindi ba’t ang buhay ay higit pa kaysa sa pagkain, at ang katawan kaysa sa kasuotan? Masdan ang mga ibon sa himpapawid, hindi sila naghahasik, ni nag-aani o nagtitipon sa bangan; gayunman sila ay pinakakain ng inyong Ama sa langit. Hindi ba’t kayo ay higit na mahalaga kaysa sa kanila? Sino sa inyo ang sa pag-aalaala ay makapagdaragdag ng isang siko sa kanyang pangangatawan?