[3 Nephi 14:1–27] Huwag humatol.

Katotohanan, katotohanan, sinasabi ko sa inyo, Huwag kayong hahatol, upang huwag kayong hatulan. Sapagkat sa kahatulang ihahatol ninyo, kayo ay hahatulan, at sa panukat na isusukat ninyo, iyon ang ipanunukat na muli sa inyo. At bakit mo minamasdan ang puwing na nasa mata ng iyong kapatid, ngunit hindi mo isinasaalang-alang ang tahilan na nasa iyong sariling mata? O paano mo sasabihin sa iyong kapatid: Hayaan mong alisin ko ang puwing sa iyong mata—at masdan, isang tahilan ay nasa iyong sariling mata? Ikaw na mapagkunwari, alisin mo muna ang tahilan na nasa sarili mong mata; at sa gayon malinaw mong makikita ang pag-aalis ng puwing sa mata ng iyong kapatid.

From section: Mga Aral ni Hesus

From page: Ang Ministeryo ng Mesias

Commentary