[3 Nephi 14:1–27] Iwasan ang mga huwad na propeta

Mag-ingat kayo sa mga bulaang propeta, na lumalapit sa inyo na nakadamit tupa, ngunit sa loob ay lobong maninila. Makikilala ninyo sila sa pamamagitan ng kanilang mga bunga. Ang mga tao ba ay namimitas ng mga ubas ng tinik, o mga igos ng dawagan? Gayundin ang bawat mabuting punungkahoy ay nagbubunga ng mabuting bunga; ngunit ang masamang punungkahoy ay nagbubunga ng masamang bunga. Ang mabuting punungkahoy ay hindi maaaring magbunga ng masamang bunga, ni ang masamang punungkahoy ay magbunga ng mabuting bunga. Kaya nga, sa pamamagitan ng kanilang mga bunga ay makikilala ninyo sila.

From section: Mga Aral ni Hesus

From page: Ang Ministeryo ng Mesias

Commentary