[Jacob 4:1–18] Panimula

Ngayon masdan, ito ay nangyari na, na ako, si Jacob, matapos mangaral nang husto sa aking mga tao sa salita, (at hindi ko maisusulat maliban sa maliit na bahagi ng aking mga salita dahil sa kahirapan ng pag-uukit ng aming salita sa mga lamina) at nalalaman namin na ang mga bagay na aming isinusulat sa mga lamina ay kinakailangang manatili; Subalit anuman ang aming isusulat sa alinmang bagay maliban sa mga lamina ay masisira at mawawala; subalit makasusulat kami ng ilang salita sa mga lamina, na makapagbibigay sa aming mga anak, at gayon din sa aming mga minamahal na kapatid, ng kaunting kaalaman hinggil sa amin, o hinggil sa kanilang mga ama—

From section: Ang Ministeryo ni Jacob

From page: Ang Lupain ni Nephi

Commentary