Anupa’t aming sinasaliksik ang mga propeta, at marami kaming mga paghahayag at diwa ng propesiya; at taglay ang lahat ng patotoong ito kami ay nagtamo ng pag-asa, at ang aming pananampalataya ay naging matatag, kung kaya nga’t tunay na nakapag-uutos kami sa pangalan ni Jesus at sinusunod kami maging ng mga punungkahoy, o ng mga bundok, o ng mga alon sa dagat.