Subalit masdan, ang mga Judio ay mga taong matitigas ang leeg; at hinamak nila ang mga salita ng kalinawan, at pinatay ang mga propeta, at naghangad ng mga bagay na hindi nila maunawaan. Samakatwid, dahil sa kanilang pagkabulag, kung aling pagkabulag na ito ay dumating sa pamamagitan ng pagtingin nang lampas sa tanda, talagang kinakailangan silang bumagsak; sapagkat inalis ng Diyos ang kanyang kalinawan mula sa kanila, at ibinigay sa kanila ang maraming bagay na hindi nila maunawaan, sapagkat ito ang ninais nila. At dahil sa ito ang kanilang ninais kung kaya’t ginawa ito ng Diyos, upang sila ay matisod.