At ngayon ito ay nangyari na, na matapos lumipas ang ilang taon, may dumating na isang lalaki sa mga tao ni Nephi, [i]2346[/i] na ang pangalan ay Serem. [i]1352[/i]
At ito ay nangyari na, na nagsimula siyang mangaral sa mga tao, at ipahayag sa kanila na hindi magkakaroon ng Cristo. At marami siyang ipinangaral na mga bagay na mapanghibok sa mga tao; [i]1353[/i] at ginawa niya ito upang kanyang malupig ang doktrina ni Cristo. At masigasig siyang gumawa upang kanyang matangay palayo ang mga puso ng tao, kung kaya’t maraming puso siyang natangay palayo;