At ngayon, aking mga minamahal, paano mangyayari na ang mga ito, matapos tanggihan ang tiyak na saligan, ay makapagtatayo rito kailanman, upang ito ay maging kanilang batong panulok? Masdan, mga minamahal kong kapatid, aking ilalahad ang hiwagang ito sa inyo; kung hindi ako, sa anumang pagkakataon, ay mayayanig mula sa aking katatagan sa Espiritu, at matisod dahil sa aking labis na pag-aalaala sa inyo.