Enos 1

Masdan, ito ay nangyari na, na ako, si Enos, na nakakikilala sa aking ama na siya ay isang makatarungang tao— [i]2720[/i] sapagkat tinuruan niya ako sa kanyang wika, at gayundin sa pag-aalaga at pagpapayo ng Panginoon—at purihin ang pangalan ng aking Diyos dahil dito. At sasabihin ko sa inyo ang pakikipagtunggaling aking ginawa sa harapan ng Diyos, bago ko natanggap ang kapatawaran ng aking mga kasalanan. [i]2721[/i]

From section: Ang Mga Unang Ministeryo ni Enos

From page: Ang Lupain ni Nephi

Commentary