Enos 20

At ako ay nagpapatotoo na ang mga tao ni Nephi ay buong sigasig na nagsikap upang mapanumbalik ang mga Lamanita sa tunay na pananampalataya sa Diyos. Ngunit ang aming mga pagpapagal ay nawalan ng saysay; ang kanilang poot ay di matinag, at sila ay naakay ng kanilang likas na kasamaan kaya nga’t sila ay naging mababangis, at malulupit, at mga taong uhaw sa dugo, puno ng pagsamba sa diyus-diyusan at karumihan; [i]1374[/i] nabubusog sa mga hayop na maninila; nananahanan sa mga tolda, at gumagala sa ilang na may isang maigsing bigkis na balat sa kanilang mga balakang at ang kanilang mga ulo ay ahit; at ang kanilang kahusayan ay sa pana, at sa simitar at sa palakol. At karamihan sa kanila ay hindi kumakain maliban sa ito ay hilaw na karne; at sila ay patuloy na naghahangad na lipulin kami.

From section: Ang Pagpapatuloy ng Ministeryo at Propesiya ni Enos

From page: Ang Lupain ni Nephi

Commentary