At wala nang ibang bagay maliban sa karahasan, pangangaral at pagpopropesiya ng mga digmaan, at mga alitan, at mga pagkawasak, at patuloy na pagpapaalaala sa kanila ng kamatayan, at ng tagal ng kawalang-hanggan, at ng mga hatol at ng kapangyarihan ng Diyos, at lahat ng bagay na yaon—patuloy na pinupukaw sila upang manatili sila sa pagkatakot sa Panginoon. Sinasabi ko na walang kulang sa mga bagay na ito, at labis na malaking kalinawan ng pananalita, ang mag-aadya sa kanila mula sa mabilis na pagbaba sa pagkalipol. At ayon sa ganitong pamamaraan, ako ay sumulat hinggil sa kanila. At nakita ko ang mga digmaang namagitan sa mga Nephita at Lamanita sa paglipas ng aking mga araw. [i]2733[/i]