At ngayon, masdan, nakalipas na ang dalawang daang taon, at ang mga tao ni Nephi ay naging makapangyarihan sa lupain. Pinagsikapan nilang sundin ang mga batas ni Moises at gawing banal ang araw ng sabbath sa Panginoon. At hindi sila nawalan ng pitagan; ni nanlapastangan sila. At ang mga batas ng lupain ay napakahigpit.
At nakakalat sila sa halos lahat ng dako ng lupain, at gayon din ang mga Lamanita. At higit silang nakararami kaysa sa mga Nephita; at ikinagagalak nila ang pumaslang at iniinom ang dugo ng mga hayop. [i]2361[/i]