At ngayon, ako, si Ameron, ay isinusulat ang anumang mga bagay na aking maisusulat, na kakaunti, sa aklat ng aking ama. Masdan, ito ay nangyari na, na lumipas ang tatlong daan at dalawampung taon, at ang higit na masasamang bahagi ng mga Nephita ay nalipol.
Sapagkat hindi pahihintulutan ng Panginoon, matapos niya silang akayin palabas ng lupain ng Jerusalem at inaruga at pinangalagaan sila upang hindi bumagsak sa mga kamay ng kanilang mga kaaway, [i]2741[/i] oo, hindi niya ipahihintulot na hindi mapatunayan ang mga salita, na kanyang sinabi sa aming mga ama, sinasabi na:
Habang hindi kayo sumusunod sa aking mga kautusan,
_kayo ay hindi uunlad sa lupain.
Kaya nga, pinarusahan sila ng Panginoon sa dakilang paghahatol; gayon pa man, kinaawaan niya ang mga matwid upang hindi sila mangasawi, kundi iniligtas sila mula sa mga kamay ng kanilang mga kaaway.