Masdan, ang aking kaluluwa ay nalulugod sa pagpapatunay sa aking mga tao ng katotohanan ng pagparito ni Cristo; sapagkat, sa layuning ito ibinigay ang mga batas ni Moises; at lahat ng bagay na ibinigay ng Diyos mula pa sa simula ng daigdig, sa tao, ay pagsasagisag sa kanya.
At ang aking kaluluwa ay nalulugod din sa mga tipan ng Panginoon na kanyang ginawa sa ating mga ama; oo, ang aking kaluluwa ay nalulugod sa kanyang biyaya, at sa kanyang katarungan, at kapangyarihan, at awa sa dakila at walang hanggang plano ng kaligtasan mula sa kamatayan. At ang aking kaluluwa ay nalulugod sa pagpapatunay sa aking mga tao na maliban kung paparito si Cristo ay tiyak na masasawi ang lahat ng tao.
Sapagkat kung walang Cristo ay walang Diyos; at kung walang Diyos ay wala tayo, sapagkat hindi maaaring magkaroon ng paglikha. Subalit may Diyos, at siya si Cristo, at paparito siya sa kaganapan ng kanyang sariling kapanahunan.