Jacob 1:1–4

Sapagkat masdan, ito ay nangyari na, na limampu at limang taon na ang lumipas mula ng panahong nilisan ni Lehi ang Jerusalem; samakatwid, ibinigay ni Nephi sa akin, kay Jacob, ang isang kautusan hinggil sa maliliit na lamina, [i]2715[/i] kung saan ang mga bagay na ito ay nakaukit. [i]1350[/i]

At ibinigay niya sa akin, kay Jacob, ang isang kautusan na dapat kong isulat sa mga laminang ito ang ilan sa mga bagay na inaakala kong pinakamahalaga; na hindi ko dapat talakayin, maliban kung bahagya lamang, ang hinggil sa kasaysayan ng mga taong ito na tinatawag na mga tao ni Nephi. Sapagkat sinabi niya na ang kasaysayan ng kanyang mga tao ay dapat iukit sa isa pa niyang mga lamina, at na dapat kong ingatan ang mga laminang ito, at ipasa ang mga ito sa aking mga binhi, sa bawat sali’t salinlahi. [i]1351[/i]

At kung may mga pangangaral na banal, o paghahayag na dakila, o pagpropesiya, na dapat kong iukit ang mahahalagang paksa nito sa mga laminang ito, at talakayin ang mga ito hangga’t maaari, alang-alang kay Cristo, at para sa kapakanan ng aming mga tao.

From section: Ang Ministeryo ni Jacob

From page: Ang Lupain ni Nephi

Commentary