Sapagkat dahil sa pananampalataya at sa labis na pag-aalaala, tunay na ipinaalam sa amin ang hinggil sa aming mga tao, kung ano man ang mga bagay na mangyayari sa kanila. At nagkaroon din kami ng maraming paghahayag, at ng diwa ng labis na pagpopropesiya; anupa’t nalalaman namin ang tungkol kay Cristo at sa kanyang kahariang darating.
Samakatwid, masigasig kaming gumagawa sa aming mga tao, upang mahikayat namin silang lumapit kay Cristo, at makibahagi sa kabutihan ng Diyos, [i]1158[/i] upang makapasok sila sa kanyang kapahingahan, na baka dahil sa anumang kadahilanan ay magsusumpa siya sa kanyang kapootan na hindi sila makapapasok, tulad sa pagpapagalit sa mga araw ng panunukso habang ang mga anak ni Israel ay nasa ilang.
Anupa’t hangad namin sa Diyos na aming mahikayat ang lahat ng tao na huwag maghimagsik laban sa Diyos, upang galitin siya, kundi na ang lahat ng tao ay maniwala kay Cristo, at isaalang-alang ang kanyang kamatayan, at batahin ang kanyang krus at tiisin ang kahihiyan ng sanlibutan; kaya nga, ako, si Jacob, ay tinanggap sa sarili na sundin ang kautusan ng aking kapatid na si Nephi.