At ano mang bagay na mabuti ay matwid at totoo; anupa’t walang mabuting magtatatwa kay Cristo, kundi kikilalanin na yaon siya. At inyong makikilala na siya nga yaon, sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu Santo; kaya nga, nais kong payuhan kayo na huwag ninyong itatatwa ang kapangyarihan ng Diyos; [i]3594[/i] sapagkat siya ay gumagawa sa pamamagitan ng kapangyarihan, alinsunod sa pananampalataya ng mga anak ng tao, siya rin ang ngayon, at bukas, at magpakailanman.