Isang pinaikling ulat mula rin sa Aklat ni Eter, na talaan ng mga tao ni Jared, na ikinalat noong panahong lituhin ng Panginoon ang wika ng mga tao, nang sila ay nagtatayo ng isang tore upang maka-abot sa langit—Upang ipakita sa mga labi ng sambahayan ni Israel kung anong mga dakilang bagay ang ginawa ng Panginoon para sa kanilang mga ama; at nang kanilang malaman ang mga tipan ng Panginoon, na sila ay hindi itatakwil nang habang panahon—At gayon din sa ikahihikayat ng mga Judio at Gentil na si JESUS ang CRISTO, [i]1137[/i] ang Diyos na WALANG HANGGAN, nagpapatunay ng kanyang sarili sa lahat ng bansa—At ngayon, kung may mga pagkakamali ang mga yaon ay kamalian ng mga tao; dahil dito, huwag ninyong hatulan ang mga bagay ng Diyos, nang kayo ay matagpuang walang bahid-dungis sa hukumang-luklukan ni Cristo.