Mormon 8:38–40

O, kayong marurumi, kayong mga mapagkunwari, kayong mga guro,
_na ipinagbibili ang inyong sarili sa mga yaong mangangalawang,
_bakit ninyo dinumihan ang banal na simbahan ng Diyos?

Bakit kayo nahihiyang taglayin sa inyong sarili ang pangalan ni Cristo?
_Bakit hindi ninyo iniisip na higit na mahalaga ang walang hanggang kaligayahan kaysa roon sa kalungkutan na hindi kailanman magwawakas
_dahil sa papuri ng sanlibutan?

Bakit ninyo pinalalamutian ang inyong sarili ng yaong walang buhay,
_gayon man ay pinahihintulutan ang nagugutom at ang nangangailangan, at ang hubad,
_at ang maykaramdaman at ang naghihirap na dumaraan sa harapan ninyo
_nang hindi sila pinapansin?

Oo, bakit ninyo itinatag ang inyong mga lihim na karumal-dumal na gawain upang makinabang,
_at pinapangyari na ang mga balo ay magdalamhati sa harapan ng Panginoon,
_at gayon din ang mga ulila na magdalamhati sa harapan ng Panginoon,
_at gayon din ang dugo ng kanilang mga ama at kanilang mga asawang lalaki
_na magsumamo sa Panginoon mula sa lupa
_ng paghihiganti sa inyong mga ulo?

From section: Ang Pangitain ni Moroni Hinggil sa Paglabas ng Aklat ni Mormon

From page: Tinapos ni Moroni ang Aklat ni Mormon

Commentary