Mormon 9:1–3

At ngayon, ako ay nangungusap din hinggil sa mga yaong hindi naniniwala kay Cristo.

Masdan, kayo ba ay naniniwala sa araw ng inyong kaparusahan—masdan, kung kailan ang Panginoon ay paparito, oo, maging yaong dakilang araw kung kailan ang lupa ay sama-samang mababalumbon tulad ng isang nakalulon na papel, at ang mga elemento ay matutunaw sa matinding init, oo, sa dakilang araw na yaon kung kailan kayo ay dadalhin upang tumayo sa harapan ng Kordero ng Diyos—sa gayon, inyo bang sasabihin na walang Diyos?

Sa gayon, inyo bang itatatwa pa ang Cristo, o inyo bang mapagmamasdan ang Kordero ng Diyos? Inaakala ba ninyo na kayo ay makapananahanang kasama niya sa ilalim ng kabatiran ng inyong pagkakasala? Inaakala ba ninyo na kayo ay magiging maligaya na manahanan kasama yaong banal na Katauhan, kapag ang inyong mga kaluluwa ay ginigiyagis ng kabatiran ng inyong pagkakasala na pinagmalabisan ninyo ang kanyang mga batas?

From section: Ang Paanyaya ni Moroni na Maniwala

From page: Tinapos ni Moroni ang Aklat ni Mormon

Commentary