Masdan, sinasabi ko sa inyo, kayo’y higit na magiging kaaba-abang manahanan kasama ang banal at makatarungang Diyos sa ilalim ng kabatiran ng inyong karumihan sa harapan niya; kaysa sa kayo ay manahanan kasama ng mga isinumpang kaluluwa sa impiyerno.
Sapagkat masdan, kapag kayo ay dadalhin upang makita ang inyong kahubaran sa harapan ng Diyos, at gayundin ang kaluwalhatian ng Diyos, at ang kabanalan ni Jesucristo, iyon ang magsisindi ng ningas ng apoy na hindi maapula sa inyo.
O, sa gayon, kayong mga walang paniniwala, bumaling kayo sa Panginoon; magsumamo nang buong taimtim sa Ama sa pangalan ni Jesus, baka sakaling kayo ay matagpuang walang bahid-dungis, dalisay, kaaya-aya, at maputi, nalinis sa pamamagitan ng dugo ng Kordero, sa dakila at huling araw na yaon.