Mormon 9:7–9

At muli, sinasabi ko sa inyo na nagtatatwa sa mga paghahayag ng Diyos, at sinasabi na ang mga yaon ay natapos na, na wala nang mga paghahayag, ni mga propesiya, ni mga kaloob, ni pagpapagaling, ni pagsasalita ng mga wika, at pagpapaliwanag ng mga wika;

Masdan, sinasabi ko sa inyo, siya na nagtatatwa sa mga bagay na ito ay hindi nalalaman ang ebanghelyo ni Cristo; oo, hindi niya nabasa ang mga banal na kasulatan; kung sakali man, hindi niya nauunawaan ang mga ito. Sapagkat hindi ba’t ating nababasa na ang Diyos ay siya ring kahapon, ngayon, at magpakailanman, at sa kanya ay walang pag-iiba-iba ni anino ng pagbabago?

From section: Ang Paanyaya ni Moroni na Maniwala

From page: Tinapos ni Moroni ang Aklat ni Mormon

Commentary