At ngayon, kung nag-aakala kayo sa inyong sarili ng isang diyos na nag-iiba, at kung kanino ay may anino ng pagbabago, kung gayon, nag-aakala kayo sa inyong sarili ng isang diyos na hindi Diyos ng mga himala.
Ngunit masdan, aking ipakikilala sa inyo ang isang Diyos ng mga himala, maging ang Diyos ni Abraham,at ang Diyos ni Isaac, at ang Diyos ni Jacob; at yaon ang siya ring Diyos na lumikha ng kalangitan at ng lupa, at lahat ng bagay na naroroon sa mga yaon.