Mormon 9:12–14

Masdan, kanyang nilikha si Adan, at sa pamamagitan ni Adan ay dumating ang pagkahulog ng tao. At dahil sa pagkahulog ng tao, si Jesucristo ay pumarito, maging ang Ama at ang Anak; at dahil kay Jesucristo dumating ang pagtubos sa tao.

At dahil sa pagtubos sa tao, na dumating sa pamamagitan ni Jesucristo, sila ay naibalik sa harapan ng Panginoon; oo, kung saan ang lahat ng tao ay tinubos, dahil ang kamatayan ni Cristo ay nagsasakatuparan ng pagkabuhay na mag-uli, na nagsasakatuparan ng katubusan mula sa walang katapusang pagtulog, kung saang pagkakatulog ang lahat ng tao ay gigisingin sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Diyos kung kailan ang pakakak ay tutunog; at sila ay babangon, kapwa maliit at malaki, at lahat ay tatayo sa harapan ng kanyang hukuman, na mga tinubos at kinalagan mula sa walang hanggang gapos ng kamatayan, kung aling kamatayan ay isang temporal na kamatayan.

At pagkatapos ay sasapit ang paghuhukom ng Banal sa kanila; at pagkatapos ay darating ang panahon na siya na marumi ay magiging marumi pa rin; at siya na mabuti ay magiging mabuti pa rin; siya na masaya ay magiging masaya pa rin; at siya na malungkot ay magiging malungkot pa rin.

From section: Ang Paanyaya ni Moroni na Maniwala

From page: Tinapos ni Moroni ang Aklat ni Mormon

Commentary