Mormon 9:15–18

At ngayon, O kayong lahat na nag-aakala sa inyong sarili ng isang diyos na hindi makagagawa ng mga himala, tatanungin ko kayo, ang lahat ba ng bagay na ito ay lumipas na, na aking sinabi? Ang katapusan ay dumating na ba? Masdan, sinasabi ko sa inyo, Hindi; at ang Diyos ay hindi tumitigil na maging Diyos ng mga himala.

Masdan, hindi ba’t ang mga bagay na ginawa ng Diyos ay kagila-gilalas sa ating mga paningin? Oo, at sino ang makauunawa sa mga kagila-gilalas na gawa ng Diyos? Sino ang makapagsasabi na hindi isang himala na sa pamamagitan ng kanyang salita ang langit at lupa ay nalikha; at sa pamamagitan ng kapangyarihan ng kanyang salita ang tao ay nalikha mula sa alabok ng lupa; at sa pamamagitan ng kapangyarihan ng kanyang salita ang mga himala ay nagawa? At sino ang makapagsasabi na si Jesucristo ay hindi gumawa ng maraming makapangyarihang himala?

From section: Ang Paanyaya ni Moroni na Maniwala

From page: Tinapos ni Moroni ang Aklat ni Mormon

Commentary