At maraming makapangyarihang himala ang ginawa sa pamamagitan ng mga kamay ng mga apostol. At kung may mga himalang ginawa noon, bakit titigil ang Diyos na maging isang Diyos ng mga himala at gayon man ay nananatili pa ring isang hindi nagbabagong Katauhan? At masdan, sinasabi ko sa inyo na hindi siya nagbabago; kung sakali man, siya ay titigil na maging Diyos; at hindi siya tumitigil na maging Diyos, at isang Diyos ng mga himala. At ang dahilan kung bakit siya tumitigil ng paggawa ng mga himala sa mga anak ng tao ay dahil sa kanilang paghina sa kawalang-paniniwala, at lumihis sa tamang landas, at hindi nakikilala ang Diyos na siyang nararapat nilang pagkatiwalaan.