Mormon 9:21–25

Masdan, sinasabi ko sa inyo na sinumang naniniwala kay Cristo, nang walang pag-aalinlangan, anuman ang kanyang hingin sa Ama sa pangalan ni Cristo ay ipagkakaloob sa kanya; at ang pangakong ito ay para sa lahat, maging hanggang sa mga nasa dulo ng mundo. Sapagkat masdan, ganito ang winika ni Jesucristo, na Anak ng Diyos, sa kanyang mga disipulong maiiwan, oo, gayon din sa lahat ng kanyang disipulo, sa pandinig ng maraming tao:

Humayo kayo sa buong daigdig, at ipangaral ang ebanghelyo sa bawat nilikha; At siya na naniniwala at nabinyagan ay maliligtas, ngunit siya na hindi naniniwala ay parurusahan;

At ang mga palatandaang ito ay susunod sa kanila na mga naniniwala—sa aking pangalan ay magpapalayas sila ng mga diyablo; magsasalita sila ng mga bagong wika; magsisihawak sila ng mga ahas; at kung sila ay iinom ng kahit anong nakamamatay na bagay iyon ay hindi makasasakit sa kanila; ipapatong nila ang kanilang mga kamay sa maykaramdaman at sila ay magsisigaling;

At sinuman ang maniniwala sa aking pangalan, nang walang pag-aalinlangan, patutunayan ko sa kanya ang lahat ng aking salita, maging hanggang sa mga nasa dulo ng mundo.

From section: Ang Paanyaya ni Moroni na Maniwala

From page: Tinapos ni Moroni ang Aklat ni Mormon

Commentary