Mormon 8:14–15

At ako rin ang siyang nagtago ng talaang ito ayon sa Panginoon; ang mga laminang yaon ay walang halaga, [i]3580[/i] dahil sa kautusan ng Panginoon. Sapagkat tunay na kanyang sinabi na walang sinumang makakukuha nito upang makinabang; ngunit ang nakatala roon ay malaki ang kahalagahan; at sinuman ang magdadala nito sa liwanag, [i]1217[/i] siya ay pagpapalain ng Panginoon. Sapagkat walang sinumang magkakaroon ng kapangyarihan na madala iyon sa liwanag maliban kung iyon ay ibinigay sa kanya ng Diyos; sapagkat niloloob ng Diyos na iyon ay mangyayari na ang mata ay nakatuon sa kanyang kaluwalhatian, o sa kapakanan ng mga sinauna at malaon nang naikalat na mga taong pinagtipanan ng Panginoon.

From section: Mga Karagdagan ni Moroni sa Talaan ni Mormon

From page: Tinapos ni Moroni ang Aklat ni Mormon

Commentary