At inutusan ng Panginoon ang kapatid ni Jared na bumaba sa bundok mula sa harapan ng Panginoon, [i]3488[/i] at isulat ang mga bagay na kanyang nakita; at ang mga ito ay ipinagbawal na makarating sa mga anak ng tao hanggang sa matapos siyang ipako sa krus; at sa dahilang ito itinago ang mga ito ni haring Mosias, upang hindi ito makarating sa sanlibutan hanggang sa matapos ipakita ni Cristo ang kanyang sarili sa kanyang mga tao. At matapos na ipinakitang tunay ni Cristo ang kanyang sarili sa kanyang mga tao ay iniutos niya na ang mga ito ay ipaalam. At ngayon, matapos yaon, nanghina silang lahat sa kawalang-paniniwala; at wala nang iba maliban sa mga Lamanita, at tinanggihan nila ang ebanghelyo ni Cristo; kaya nga inutusan ako na muli ko itong itago sa lupa.