At inutusan ng Panginoon ang kapatid ni Jared na bumaba sa bundok mula sa harapan ng Panginoon, at isulat ang mga bagay na kanyang nakita; at ang mga ito ay ipinagbawal na makarating sa mga anak ng tao hanggang sa matapos siyang ipako sa krus; at sa dahilang ito itinago ang mga ito ni haring Mosias, upang hindi ito makarating sa sanlibutan hanggang sa matapos ipakita ni Cristo ang kanyang sarili sa kanyang mga tao. At matapos na ipinakitang tunay ni Cristo ang kanyang sarili sa kanyang mga tao ay iniutos niya na ang mga ito ay ipaalam. At ngayon, matapos yaon, nanghina silang lahat sa kawalang-paniniwala; at wala nang iba maliban sa mga Lamanita, at tinanggihan nila ang ebanghelyo ni Cristo; kaya nga inutusan ako na muli ko itong itago sa lupa.
Masdan, isinulat ko sa mga laminang ito ang yaon ding mga bagay na nakita ng kapatid ni Jared; at wala nang mas hihigit pa sa mga bagay na ipinaalam kaysa sa mga yaong ipinaalam sa kapatid ni Jared. Anupa’t inutusan ako ng Panginoon na isulat ang mga ito; at isinulat ko ang mga ito.
Sapagkat sinabi ng Panginoon sa akin:
At ngayon ako, si Moroni, ay isinulat ang mga salitang iniutos sa akin, alinsunod sa aking alaala; at sinabi ko sa inyo ang mga bagay na aking mahigpit na isinara; kaya nga huwag galawin ang mga ito upang maisalin ninyo; sapagkat ang bagay na yaon ay ipinagbabawal sa inyo, maliban sa di maglalaon ay karunungan sa Diyos.
At masdan, maaari kang pahintulutan na ipakita mo ang mga lamina sa mga yaong makatutulong na maisakatuparan ang gawaing ito; At sa tatlo ang mga ito ay ipakikita sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Diyos; anupa’t malalaman nila nang may katiyakan na ang mga bagay na ito ay totoo.
At sa bibig ng tatlong saksi ang mga bagay na ito ay mapagtitibay; at ang patotoo ng tatlo, at ang gawaing ito, kung saan maipakikita ang kapangyarihan ng Diyos at gayon din ang kanyang salita, kung saan ang Ama, at ang Anak, at ang Espiritu Santo ay nagpapatotoo— at ang lahat ng ito ay tatayong isang patotoo laban sa sanlibutan sa huling araw.
At kung sakali mang sila ay magsisi at lumapit sa Ama sa pangalan ni Jesus, sila ay tatanggapin sa kaharian ng Diyos.
At ngayon, kung wala akong karapatan sa mga bagay na ito, hatulan ninyo; sapagkat malalaman ninyo na ako ay may karapatan kapag nakita ninyo ako, at tayo ay tatayo sa harapan ng Diyos sa huling araw. Amen.