At anumang bagay na humihikayat sa tao na gumawa ng kabutihan ay sa akin; sapagkat wala nang ibang pinanggalingan ang kabutihan maliban sa akin. Ako ang siya ring umaakay sa mga tao sa lahat ng kabutihan; siya na hindi maniniwala sa aking mga salita ay hindi maniniwala sa akin—na ako nga; at siya na hindi maniniwala sa akin ay hindi maniniwala sa Ama na siyang nagsugo sa akin. Sapagkat masdan, ako ang Ama, ako ang ilaw, at ang buhay, at ang katotohanan ng daigdig.