Masdan, kapag inyong pupunitin ang tabing na yaon ng kawalang-paniniwala na siyang dahilan ng inyong pananatili sa inyong kakila-kilabot na kalagayan ng kasamaan, at katigasan ng puso, at kabulagan ng pag-iisip, pagkatapos ang mga dakila at kagila-gilalas na bagay na natatago mula pa sa pagkakatatag ng daigdig mula sa inyo—oo, kapag kayo ay mananawagan sa Ama sa aking pangalan, nang may bagbag na puso’t nagsisising espiritu, doon ninyo malalaman na natatandaan ng Ama ang tipang kanyang ginawa sa inyong mga ama, O sambahayan ni Israel.