At sa araw na yaon na sila ay mananampalataya sa akin, wika ng Panginoon, maging tulad ng kapatid ni Jared, upang sila ay mapabanal sa akin, pagkatapos ipaaalam ko sa kanila ang mga bagay na nakita ng kapatid ni Jared, maging hanggang sa paglalahad sa kanila ng lahat ng aking paghahayag, wika ni Jesucristo, na Anak ng Diyos, ang Ama ng kalangitan at ng lupa, at ang lahat ng bagay na naroroon.