At siya na hihinga ng poot at mga sigalot laban sa gawa ng Panginoon, at laban sa mga taong pinagtipanan ng Panginoon na mula sa sambahayan ni Israel, at magsasabi:
Aming sisirain ang gawa ng Panginoon,
_at hindi maaalaala ng Panginoon ang tipang
_kanyang ginawa sa sambahayan ni Israel—
_siya rin ay nanganganib na tagpasin at ihagis sa apoy;Sapagkat ang mga walang hanggang layunin ng Panginoon ay magpapatuloy,
_hanggang sa ang lahat ng kanyang pangako ay matupad.