At ngayon, mga minamahal kong kapatid, nadarama kong nagbubulay-bulay pa kayo sa inyong mga puso; at nakalulungkot iyon sa akin na ako ay kinakailangang magsalita hinggil sa bagay na ito.
Sapagkat kung kayo ay makikinig sa Espiritung nagtuturo sa tao na manalangin, malalaman ninyong kinakailangan kayong manalangin; sapagkat ang masamang espiritu ay hindi nagtuturo sa tao na manalangin, sa halip nagtuturo sa kanya na huwag siyang manalangin.
Ngunit masdan, sinasabi ko sa inyo na kinakailangan kayong laging manalangin, at huwag manghina; na huwag ninyong isasagawa ang anumang bagay sa Panginoon maliban sa kayo ay mananalangin muna sa Ama sa pangalan ni Cristo, upang kanyang ilaan ang inyong pagganap sa kanya, nang ang inyong pagganap ay maging para sa kapakanan ng inyong mga kaluluwa.