Ang Doktrina ni Cristo at Ang Patotoo ni Nephi

Mga Karagdagan ni Nephi sa Kanyang Talaan

2 Nephi 31:1
Isinulat ni Nephi ang kakaunti sa kanyang mga salita.
2 Nephi 31:2–3
Si Nephi ay nakadama ng impresyong sumulat tungkol sa doktrina ni Cristo.

Ang Kahalagahan ng Pagbibinyag

2 Nephi 31:4–5
Si Jesus, na siyang banal, ay nabinyagan—ang sangkatauhan, na hindi banal, ay may mas higit na pangangailangang mabinyagan.
2 Nephi 31:6–8
Si Jesus ay nabinyagan upang maisakatuparan ang lahat ng katwiran.
2 Nephi 31:9–11
Si Jesus ay ang halimbawa na susundin.
2 Nephi 31:12–13
Bawat tao ay nararapat na sumunod kay Jesus na may buong layunin ng puso sa pamamgitan ng pagpapabinyag at pagsilang-muli.

Pagtitiis Hanggang Wakas

2 Nephi 31:14–16
Ang Ama at ang Anak ay parehong nagpapatibay sa kahalagahan ng pagtanggap kay Cristo sa pamamagitan ng pagbibinyag at pagtitiis ng may katapatan hanggang sa wakas.
2 Nephi 31:17–18
Ang pagbibinyag ay ang pasukan sa simula ng landas patungo sa buhay na walang-hanggan.
2 Nephi 31:19–20
Ang patuloy na pag-unlad ay kinakailangan upang matanggap ang buhay na walang-hanggan.
2 Nephi 31:21
Walang ibang daan upang makapasok sa kaharian ng Diyos.

Ang Doktrina ni Kristo

2 Nephi 32:1–3
Ang salita ni Cristo ay nagtuturo sa sangkatauhan ng lahat ng bagay na dapat maisagawa.
2 Nephi 32:4–6
Ang kawalan ng pangunawa ay dumarating bilang isang bunga ng kawalan ng pagsisikap—ang Espiritu Santo ay ipakikita ang landas at gagabay sa matatapat.

Ang Kahalagahan ng Panalangin

2 Nephi 32:7
Si Nephi ay pinipigilan sa kanyang pagsusulat.
2 Nephi 32:8–9
Ang patuloy na panalangin ay mahalaga.

Ang Konklusyon ni Nephi

2 Nephi 33:1
Si Nephi ay hindi mabisang manunulat, tulad na sa siya ay mananalita.
2 Nephi 33:2–3
Siya ay nagdalamhati sa mga nagaaklas at sa mga hindi naniniwala.
2 Nephi 33:4–5
Ang mga talaan ni Nephi ay mangungusap sa kanila at magtuturo sa kanila tungkol kay Jesus at ng buhay na walang-hanggan.
2 Nephi 33:6–9
Pinuri ni Nephi si Jesus at umasa na ang lahat ay tanggapin siya.

Ang Huling Pamamaalam ni Nephi

2 Nephi 33:10–12
Ang mga salita ni Cristo ay magtuturo sa mga tao na gumawa ng mabuti.
2 Nephi 33:13–15
Si Nephi ay nagbigay ng kanyang huling pamamaalam, binabalaan ang kanyang mga mambabasa ng mga napipintong paghuhukom.