Ako ay nagpupuri sa kalinawan;
_ako ay nagpupuri sa katotohanan;
_ako ay nagpupuri sa aking Jesus,
_sapagkat kanyang tinubos ang aking kaluluwa mula sa impiyerno.
May pag-ibig ako sa aking mga tao,
_at malaking pananampalataya kay Cristo
_na matatagpuan ko ang maraming kaluluwa
_na walang bahid-dungis sa kanyang hukumang-luklukan.
May pag-ibig ako sa mga Judio—
_(Sinasabi kong Judio,
_dahil ang ibig kong tukuyin ay sila na galing sa aking pinagmulan.)
_May pag-ibig din ako sa mga Gentil.
Ngunit masdan, wala sa mga ito ang maaasahan ko maliban kung sila ay makipagkasundo kay Cristo, at pumasok sa makitid na pasukan at lumakad sa makipot na landas patungo sa buhay, at magpatuloy sa landas hanggang sa wakas ng araw ng pagsubok.