2 Nephi 31:14–16

Datapwat masdan, mga minamahal kong kapatid, sa ganito nangusap ang tinig ng Anak sa akin, nagsasabing:

Matapos na kayo ay magsisi ng inyong mga kasalanan, at nagpatotoo sa Ama na kayo ay nahahandang sumunod sa aking mga kautusan, sa pamamagitan ng pagpapabinyag sa tubig, at tumanggap ng binyag ng apoy at ng Espiritu Santo, at nakapagsalita ng bagong wika, oo, maging ng wika ng mga anghel, at pagkaraan nito ay itatakwil ako, makabubuti pa sa inyo ang hindi ninyo ako nakilala.

At narinig ko ang isang tinig mula sa Ama, nagsasabing:

Oo, ang mga salita ng aking Sinisinta ay tunay at tapat.
_Siya na makapagtitiis hanggang wakas, siya rin ay maliligtas.

At ngayon, mga minamahal kong kapatid, nalalaman ko sa pamamagitan nito na maliban sa ang tao ay magtiis hanggang wakas, sa pagsunod sa halimbawa ng Anak ng Diyos na buhay, siya ay hindi maaaring maligtas.

From section: Pagtitiis Hanggang Wakas

From page: Ang Doktrina ni Cristo at Ang Patotoo ni Nephi

Commentary