2 Nephi 31:12–13

At gayon din, ang tinig ng Anak ay nangusap sa akin, nagsasabing:

Siya na nabinyagan sa aking pangalan,
_sa kanya ay ibibigay ng Ama ang Espiritu Santo, katulad sa akin;
_samakatwid, sumunod sa akin, at gawin ang mga bagay na nakita ninyong ginawa ko.

Kaya nga, mga minamahal kong kapatid, alam ko na kung inyong susundin ang Anak, nang may buong layunin ng puso, nang walang pagkukunwari at walang panlilinlang sa harapan ng Diyos, kundi may tunay na hangarin, nagsisisi sa inyong mga kasalanan, nagpapatotoo sa Ama na nahahanda kayong taglayin sa inyong sarili ang pangalan ni Cristo, sa pamamagitan ng binyag—oo, sa pamamagitan ng pagsunod sa inyong Panginoon at inyong Tagapagligtas doon sa tubig, alinsunod sa kanyang salita, masdan, pagkatapos ay inyong tatanggapin ang Espiritu Santo; oo, at pagkatapos darating ang binyag ng apoy at ng Espiritu Santo; at pagkatapos kayo ay makapagsasalita ng wika ng mga anghel, at sisigaw ng papuri sa Banal ng Israel.

From section: Ang Kahalagahan ng Pagbibinyag

From page: Ang Doktrina ni Cristo at Ang Patotoo ni Nephi

Commentary