2 Nephi 31:6–8

At ngayon, magtatanong ako sa inyo, mga minamahal kong kapatid, paanong ang Kordero ng Diyos ay gumanap sa lahat ng katwiran sa pagpapabinyag sa pamamagitan ng tubig? Hindi ba ninyo nalalaman na siya ay banal?

Ngunit sa kabila ng kanyang pagiging banal, ipinakikita niya sa mga anak ng tao na, ayon sa laman siya sa kanyang sarili ay nagpapakumbaba sa harapan ng Ama, at pinatototohanan sa Ama na siya ay magiging masunurin sa kanya sa pagsunod ng kanyang mga kautusan. Samakatwid, matapos na siya ay mabinyagan sa tubig ang Espiritu Santo ay bumaba na tulad sa isang kalapati sa kanya.

From section: Ang Kahalagahan ng Pagbibinyag

From page: Ang Doktrina ni Cristo at Ang Patotoo ni Nephi

Commentary