Samakatwid, ang mga bagay na isinulat ko ay sapat na sa akin, maliban sa ilang salita na kailangan kong sabihin hinggil sa doktrina ni Cristo; samakatwid, ako ay magsasalita sa inyo nang malinaw, alinsunod sa kalinawan ng aking pagpopropesiya. Sapagkat ang aking kaluluwa ay nalulugod sa kalinawan; sapagkat sa ganitong pamamaraan gumagawa ang Panginoong Diyos sa mga anak ng tao. Sapagkat ang Panginoong Diyos ang nagbibigay-liwanag sa pang-unawa; sapagkat siya ay nagsasalita sa mga tao alinsunod sa kanilang wika, sa kanilang ikauunawa.