Ang Doktrina ni Cristo at Ang Patotoo ni Nephi

Mga Karagdagan ni Nephi sa Kanyang Talaan

2 Nephi 31:1

Isinulat ni Nephi ang kakaunti sa kanyang mga salita.

At ngayon ako, si Nephi, ay tinatapos na ang aking pagpopropesiya sa inyo, mga minamahal kong kapatid. At ilang bagay lamang ang maisusulat ko, na alam kong tiyak na mangyayari; ni hindi ko maisusulat maliban lamang sa ilan sa mga salita ng aking kapatid na si Jacob.

2 Nephi 31:2–3

Si Nephi ay nakadama ng impresyong sumulat tungkol sa doktrina ni Cristo.

Samakatwid, ang mga bagay na isinulat ko ay sapat na sa akin, maliban sa ilang salita na kailangan kong sabihin hinggil sa doktrina ni Cristo; samakatwid, ako ay magsasalita sa inyo nang malinaw, alinsunod sa kalinawan ng aking pagpopropesiya. Sapagkat ang aking kaluluwa ay nalulugod sa kalinawan; sapagkat sa ganitong pamamaraan gumagawa ang Panginoong Diyos sa mga anak ng tao. Sapagkat ang Panginoong Diyos ang nagbibigay-liwanag sa pang-unawa; sapagkat siya ay nagsasalita sa mga tao alinsunod sa kanilang wika, sa kanilang ikauunawa.