2 Nephi 33:2–3

Datapwat masdan, marami ang pinatitigas ang kanilang mga puso laban sa Banal na Espiritu, kaya hindi ito magkaroon ng puwang sa kanila, anupa’t kanilang itinapon ang mga bagay na naisulat at itinuring yaon na mga bagay na walang kabuluhan. Datapwat ako, si Nephi, ay isinulat na ang aking naisulat, at itinuturing ko ito na may malaking kahalagahan, at lalung-lalo na sa aking mga tao.

Sapagkat ako ay patuloy na dumadalangin para sa kanila sa araw,
_at nababasa ng luha ang aking unan sa gabi,
_dahil sa kanila;

At ako ay sumasamo sa aking Diyos nang may pananampalataya,
_at alam kong diringgin niya ang aking pagsusumamo.

From section: Ang Konklusyon ni Nephi

From page: Ang Doktrina ni Cristo at Ang Patotoo ni Nephi

Commentary