Ang Mga Saserdote ni Noah
- Mosiah 19:21, 23:32
- Matapos ang pagpatay kay Noa, ang mga naghihimagsik ay tinangkang patayin ang mga saserdote, subalit ang mga saserdote ay nakatakas, at pinamunuan ng isang lalaking nagngangalang Amulon.
- Mosiah 20:3
- Ang mga saserdote ay nahiya, at tumangging bumalik sa lunsod.
- Mosiah 20:1–2,4
- Ang mga saserdote ay napadpad sa lugar na kung saan ang mga kababaihang Lamanita ay nagagalak sa pagsasayaw—ang mga saserdote ay nagtago, at mula sa kalayuan, ay nanunuod.
- Mosiah 20:5
- Ang mga saserdote ay lumabas mula sa kanilang pinagtataguan at tinangay sila.
- Mosiah 20:6
- Samantala, ang mga Lamanita ay nagkamali sa pag-aakalang ang mga tao ni Limhi ang may kinalaman sa pagkawala ng kanilang mga anak na babae.
- Mosiah 23:31,33
- Pinakasalan ng mga saserdote ang mga babaeng lamanita, at nagtatag ng isang komunidad.
- Mosiah 23:30–31
- Isang araw, ang mga sundalong Lamanita ay naglabasan—sila ay ipinadala upang hanapin ang mga tao ni Limhi, na nakatakas.
- Mosiah 23:33–34
- Ang mga saserdote ay humimok sa mga Lamanita na huwag silang lipulin.
- Mosiah 23:35
- Ang mga Lamanita at mga saserdote ay naging magkakampi.
- Mosiah 23:35
- Ang mga Lamanita at ang mga saserdote ay naghandang magkakasama upang hanapin ang lupain ng Nephi, ang kanilang tahanan.
- Mosiah 23:35
- Sa kanilang pagtatangkang mahanap ang lupain ng Nephi, sila ay napadpad sa mga tao ni Alma sa lupain ng Helam.
- Mosiah 23:36
- Ang mga Lamanita ay nakipagtagpo kay Alma na nakipagkasundo sa kanila: ang mga direksiyon pabalik sa lupain ng Nephi kapalit ng kanilang buhay at kalayaan.
- Mosiah 23:29, 37
- Matapos na sabihin ni Alma sa kanila kung paanon makababalik sa lupain ng Nephi, binawi ng mga Lamanita ang kanilang salita, at nagsimulang kunin ang Helam ng sapilitan.
- Mosiah 23:38
- Ang mga Lamanita na hindi nakatalagang magbantay sa Helam ay bumalik sa lupain ng Nephi, sinusundan ang direksiyong binigay ni Alma.
- Mosiah 23:39
- Ang hari ng mga Lamanita ay nagkaloob kay Amulon, ang saserdote, na maging hari ng Helam.
- Mosiah 24:1–4
- Si Amulon at mga saserdote ay ginawang mga guro sa mga taong Lamanita, at itinalaga sa bawat lunsod ng mga Lamanita upang turuan sila ng wikang Nephita.
- Mosiah 24:5–7
- Ang pamayanan ng Lamanita ay namuhay ng marahas at di-makadiyos na pamamaraan.
- Mosiah 24:8
- Inalipin ni Amulon si Alma at lahat ng mga naninirahan sa Helam.