2 Nephi 1:19–22

O mga anak ko, sana’y huwag sumapit sa inyo ang mga bagay na ito, bagkus kayo ay maging isang pinili at mga pinagpalang tao ng Panginoon. Datapwat masdan, masusunod ang kanyang kalooban; sapagkat ang kanyang mga landas ay katwiran magpakailanman. At kanyang sinabi na:

Habang inyong sinusunod ang aking mga kautusan
_kayo ay uunlad sa lupain.

Datapwat habang hindi ninyo sinusunod ang aking mga kautusan
_kayo ay itatakwil mula sa aking harapan.

At ngayon upang ang aking kaluluwa ay magkaroon ng kagalakan sa inyo, at ang aking puso ay lumisan sa daigdig na ito nang may kagalakan dahil sa inyo, upang ako ay hindi madala nang may pagdadalamhati at kalungkutan sa libingan, bumangon kayo mula sa alabok, mga anak ko, at magpakalalaki, at magkaroon ng pagnanais na maging isang isipan at isang puso, nagkakaisa sa lahat ng bagay, upang kayo ay hindi madala sa pagkabihag; Upang kayo ay hindi sumpain ng isang masidhing sumpa; at gayundin, nang hindi ninyo abutin ang galit ng isang makatarungang Diyos sa inyo, tungo sa pagkawasak, oo, ang walang hanggang pagkawasak ng kaluluwa at katawan.

From section: Ang Payo ng Ama

From page: Ang Mga Propesiya at Payo ni Lehi sa Kanyang Pamilya

Commentary