2 Nephi 1:30–32

At ngayon, Zoram, ako ay nangungusap sa iyo: Masdan, ikaw ay tagapagsilbi ni Laban; gayunman, ikaw ay inilabas sa lupain ng Jerusalem, at alam ko na ikaw ay isang tunay na kaibigan ng aking anak na si Nephi, magpakailanman. Kung gayon, sapagkat ikaw ay naging matapat ang iyong mga binhi ay pagpapalain kasama ng kanyang mga binhi, kung kaya’t sila’y maninirahan sa kasaganaan nang mahabang panahon sa ibabaw ng lupaing ito; at wala, maliban sa kasamaan sa kanila, ang makapipinsala o makagagambala sa kanilang kasaganaan sa ibabaw ng lupaing ito magpakailanman. Anupa’t kung susundin mo ang mga kautusan ng Panginoon, ilalaan ng Panginoon ang lupaing ito para sa katiwasayan ng iyong mga binhi, kasama ng mga binhi ng aking anak.

From section: Ang Payo ng Ama

From page: Ang Mga Propesiya at Payo ni Lehi sa Kanyang Pamilya

Commentary